今日はフィリピン/タガログ語
Di ko alam kung bakit ba hindi na sila nagkakaintindihan... Di ko alam kung bakit natigil na ang pagaalala sa isa't isa...
Siguro un babae, nanawa na sa buhay nya kasama nun lalake, dahil panay reklamo, at nekatibong pagiisip ang iniisip nya sa buhay na ikinasawa na nung babae.
Totoong ngang sadya namang napakanegatibo din nung lalaki... dahil wala naman syang ginawa kung hindi manood ng mga palabas nya. Marahil nga naiisip nyang gastos lamang ang paglabas, ngunit sa mga maliliit na bagay naman maaari pa rin naman makamit ang kasiyahan sa mga simpleng bagay.
Hindi ko lang alam kung ano ba ang nagpapaligaya dun sa lalaki... parang lumalaki lamang ako na kasama syang mahilig manood at un lamang... marahil dahil din gusto nya suportahan ang babae.
Ang babae naman, mahilig makihalo-bilo, makisama at lumabas at magmuni-muni paminsan minsan kahit ito. Sya ang tipong babae na alam nya ang direksyon nya, tipong pagkagising alam na niya ang dapat niyang gawin! Kaya't sya ang namamahala sa halos lahat.
Un nga lang, ngayon, para bang nababagot na sya sa paulit ulit na kabuhayan. Marahil napapaisip sya, ano ba talaga ang saysay ng buhay. Pero sa ngayon ang nakikita ko ngayon, ang nasa isip nya bakit ba ako nagsayang ng ilang taon para makasama ang lalakeng un.
Marami na siyang nakikitang hindi pagkakapareho. Ang mga pinagkakatagong saloobin ay inilalabas niya. Nawawalan na ng pagmamahal nang dahil din marahil sa paminsan minsang manhid na attitude ng lalake.
Sa totoo lang di ko rin makita ang romansa nilang dalawa. Alam ko mahal nila ang isa't isa pero hindi ko alam masyado makita ang romansa nila. Marahil wala naman kasi akong alam sa pag-ibig....
Hay... ang hirap talaga magpalaki ng mga matatanda....
Sa ibang topic, ngayon ko lang talaga naisip... kung uutang ang mga magulang ko sa akin ulit ng pera... Hindi ko na papahiramin... dahil hindi bumabalik sa akin... hindi naman sa pagdadamot... pero kasi kung un pera na un ay bigay lang sa akin at ako ay wala namang trabaho, sa susunod nilang gagawin un sasabihin kong wala na akong pera. Maliban lamang kung ako'y nagtratrabaho maaari na akong tumulong sa kanila... pero un nga lang... hindi na ako magpapautang... ako ang naghihirap... nasa isip ko lang naman yan.... blah blah blah...
Sa mga kaibigan, ako ba ay malungkot? marahil... kaya ako ay lumalayo at nagtatago sa mga tao o baka nga mayroon akong mental illness na... mga tipong depresyon o anxiety disorder o kaya naman sobrang baba ng self-esteem. Pano nga ba pataasin ang self-esteem? Dahil sa totoo lang, nawalan talaga ako ng tiwala sa sarili dahil sa mga pinagdaanan ko sa kurso na un. Paminsan minsan naiisip ko pa rin ang kurso ko... kung hindi kaya un ang kinuha ko at kinuha ko ang talagang nais ko... un mga tipong computer o lenguahe mas meron kaya akong inspirasyon o determinasyon kaysa sa medical? Dahil naramdaman ko nang bumagsak ako... o nun nandoon ako sa kursong un, sadyang sa likod ng utak ko, ayoko nito na ano bang makukuha ko sa pagiging nars?
napaisip tuloy ako tuloy sa isang sempai na sinabi sa amin. Kung ang balak mo lang ay tungkol sa pera kaya mo kinuha ang kursong ito kailangan mong itatak sa kokote mo na un ang dahilan ng pagkuha mo ng kursong ito. Ngayon, naisip ko na tama sya! Dahil alam ko un lang ang dahilan kung bakit ko pinili un.
Hanggang ngayon naiinis pa rin ako kapag sinasabi sa akin na hindi mo dapat iniisip ang pagiging computer science... Siguro, gusto ko na lang sisihin sila dahil sa tingin ko marami din silang walang sinuporta sa akin... marahil meron, pero grabe siguro konti lang... ang sinasabi kong suporta marahil ay sa kurso kong gusto talagang kunin, sa mga hobbies ko siguro, si pagiging artistic or mahilig sa musika, pagkatao ko... nakakainis lang din kasi parang isa pa lang sasabihin mo binabale wala ka na nila...
Siguro naghahanap lang din ako ng atensyon kaya minsan papansin ako sa mga ibang tao. pero minsan naisip ko, nasaan na kaya un matapang na bata na ako... saan kaya napunta un dare devil na un... nasaan na ba ako ngayon?
Sa pag-ibig, ako ay laging bigo. Sa ngayon, hindi ko na naman alam kung paano umibig. Marahil nawalan na naman ako ng interes na bumuo ng relasyon... dahil siguro hindi ko alam ang universal rule, na wag mag-expect ng kahit ano o kaya naman. Parang feeling ko nun sawa na ako maghanap... Una sa lahat, oo, medyo gusto ko talaga ng babae, pero parang ngayon naisip ko, para namang wala akong makikilalang ganun. at minsan ganun din nasa isip ko kapag sa lalaki... kung ako boyish, i guess they are not interested, you know. Di naman ako uubra sa mga tao dito, lalo na sa mga taga-LA. hay naku!
Sa totoo lang, natatakot din ako sa rejection. 2 siguro un sinubukan kong ganun pero sadyang derecho sila at wala akong pagasa... kaya parang ako, ayoko na. I mean, naisip ko noon, kailangan mag-effort para sa kaibigan pero parang sa huli nun panay effort ko sa iisang tao parang walang pinatunguhan. Meron pa rin naman ngayon mga tipong close friends din. pero parang kung iniisip ko un mga tipong relationship-wise wala talaga. Kaya minsan naisip ko na lang ano pa ang saysay ng pag-e-effort kung wala rin naman... Ako lang ang sobrang talo...
Yeah, selfish talaga. ganun talaga e. minsan kailangan intindihin ang sarili kaysa isipin ang ibang tao...
Siguro nanawa lang ako mag-please ng tao. Parang kung pupunta, pupunta. Siguro depress lang talaga ako...
Minsan masarap sana sabihin ko sa lahat ng mahal ko at kaibigan ang mga nangyayari sa akin o mga tipong mga hilig ko... pero sa totoo lang ako lang ang may mga gusto ng hilig ko... Wala ata akong makasama dito ngayon ng pareho ng hilig ko... kaya nalulungkot ako... siguro un wavelength ko bumaba na ng husto...
hay, depress ata talaga ako... ehehehe
sana ang buhay ay madali lang...
dati inisip ko na mamatay ako ng bata... wala naman akong ine-expect na pupunta sa libing ko e... parang ganun...
pero ang suicide ata ang pinaka against sa consepto ko. I guess un ung ultimate sin sa akin, pero di ko naman judge ang mga ibang tao, kung gagawin ko un, un ung pinakamasamang gagawin ko sa buong buhay ko... maybe isang factor na si GOD, dahil un ang batas na pinakinatatakot ko... pero ang isa pang dahilan ay wala akong lakas ng loob para kunin ang sarili kong buhay....
grabe ang haba naman nitong salaloobin ko... hanggang dito na lang!
gagayahin ko si Tomomi Kasai
Katapusan-End-おわり!