NINJA MOVES KAPAG KUMAKAIN NG FRENCH FRIES WITH FRIENDS
Kapag nasa counter ako ng McDo, hindi ko talaga maiwasang mapatingin dun sa area kung saan sila nagluluto ng french fries. Inaabangan ko kasi kung palihim din silang kumakain ng french fries habang nagpprito. Kung ako siguro yun, maya’t maya ako kukuha kapag hindi nakatingin yung boss ko. Tapos kapag nahuli ako, sasabihin ko na lang na, "Sir, sinisigurado ko lang kung talagang french fries nga!"
Adik ako sa french fries, srsly. Para kasi silang mga cute na daliri na kinakawayan ako at nagsasabing, "Hellloooo..Kainin mo kamiiii." hanggang sa tuluyan na akong mabalot ng makamundong pagnanasa at matagpuan ko na lamang ang aking sarili na kinakain sila ng walang kalaban-laban. Bahala na sa calorie content.
At bilang hayok sa french fries, ito ang mga secret ninja moves na ginagawa ko tuwing kumakain ako ng french fries with super close friends.
Ako ang nagvovolunteer umorder. Sa cashier pa lang, inuupakan ko na agad ang french fries habang naghihintay ng sukli. Kapag tinanong nila, "Bakit kokonti na?" Ang sagot ko lang, "Tung-inuhhh!! Oo nga no."
Dun ako tumatabi sa friend kong may order din na large fries. Hindi ko tinitingnan yung nakaregular fries lang. Walang eye contact o kahit anong physical contact. Pinapangalagaan ko lang ang security ng frenchfries ko.
Kapag medyo paubos na yung fries ko at madami pa yung kanila, "Guys Guys. Pagsamasamahin na lang natin yung lahat ng fries sa tray. olrayt? olrayt!!!" Dahil ganun talaga pag tropa, share share.
Ipinapaubaya ko sa iba ang pagbubukas ng ketchup lalo na kung nasa sachet. Matagal na gawain yun.
Idinadaan ko sila sa kwento. "Uyy. Kwento ka naman simula nung 2 years old ka pa hanggang sa nung nagdebut ka. Interesting kasii." Tanong lang ng tanong habang ikaw, kain lang ng kain. :)
And then i lived happily ever after. Sana hindi nila ito mabasa please.