Grabeng araw 'to. Anung oras nako nagising! Paglabas ko ng bahay naalala ko naiwan ko yung pera ko so balik ako. Paglabas ko, nasa kanto nako ng Novaville. Akala ko naiwan ko cp ko kaya balik nanaman ako ng bahay. Hanap ako ng hanap tas chineck ko yung bag ko. Wengya! Nasa bag ko na pala. Dahil late nako, tinakbo ko na mula bahay hanggang kanto. Shet ang init! Huhuhu yung payong ko naiwan ko sa bahay. Haay. Nasa jeep nako kanina papuntang SM tas nauubo ako. Di ako makaubo dahil ang tahimik sa jeep at alam kong ready to harvest na yung plema ko. Mahinog hinog at malaman ang ubo ko kaya pinilit kong wag umubo. Huhuhu ang kati kati na ng lalamunan ko.
Tas nung nakasakay nako ng jeep papuntang OLFU, muntik na kaming mabangga. Extreme yung preno ni manong halos mapahiga na ako. Nakakahiya naka palda pa ako! Huhuhu. Ang saklap, pagod na pagod na ako kakamadali. Akala ko late na ako pero pag dating ko sa room, wala pang prof
di ko alam kung matutuwa ba ko o maiinis eh.
Huhuhu. Paalam na po.
RUKA