Today is the day.
Mga 21:20 ako nakarating sa NAIA terminal 1 and there i waited for Archielyn and Dinah. Shempre sabay sabay kami nag check-in. Tapos after check-in, lumabas muna uli kami to meet our relatives and bid goodbyes. Tapos non balik sa loob, nag bayad kami ng travel tax na P1,620 na hindi naman na pala kinailangan! Nagtapon lang ako ng P1,620. Huhuhu pakisauli pleaase! えー

And then diretso na kami sa immigration and halos on time lang kami kase after immigration, security check uli. 10 minutes nalang boarding na. Mejo nagmamadali pa kami. Hehe.

Qatar airways pala kami. QR929 bound for Doha. 9 hours ang travel time.. okay.



Selfie before take-off. 12:10 am ang takeoff namin so night view ang view ko. Sobrang dilim parang waley lang. ぼけー



Archielyn, Dinah at ang dyosang ako. Kaming 3 ang magkasama throughout the flight.


Boarding passengers.





First meal (dinner), 2:00 am sinerve. Super sarap nung beef and mashed potato. Bitin nga eh. Hindi sila nagseserve ng rice. Huhu. Beef ung sa left, potato ung sa middle and eggplant yung sa right na hindi ko kinain kase bweeh nakakasuka ang lasa. I dont eat eggplant in the first place. Tas kakadiri yung lasa, maasim asim. ゲロー

Nakaidlip ako ng konti mga 30 mins lang kase maalog yung airplane eh saka ang hirap humanap ng pwestong komportable.. nakakakuba.

7:25 am (MNL time)
Still on airplane. Nanunuod ako ng Home Alone 2: Lost in New York ng biglang.. BOOOOM. Nagkaturbulence ng matindi. Seriously napadasal ako bigla kase always naman ako nakakaexperience ng turbulence pero yung ngayon grabe. Napatili si Dinah. Saka talagang napalundag ung puso ko kase talagang OA ung pag shake nung airplane. SOLID. parang may impact na kala ko bumangga na kung saan. Right and left, up and down. Literal na napadasal ako akala ko talaga something is wrong. Akala ko mag ccrash pota. Ganun katindi ung shake nya para maisip ko yun. 笑い泣き natakot talaga ako. Very normal naman yun. Pero talagang ngayon ko lang naranasan yung ganung turbulence na hindi lang basta nag shake ung plane, may sound effects pa na nakakatakot na para bang kinidlatan. Tas biglang nag ON yung seat belt sign at nag announce si captain ng "cabin crew, take your seats"
Isip isip ko 'aww shit just got real.'

7:45 am (MNL time); 2:45 am (DOH time)
Tumuturbulence nanaman. ムキー Maya't maya ang pag turbulence pero umaalon lang. Unlike kanina pota buti napigilan kong hindi mapahiyaw. Muntik nakong dumukot ng pen at paper sa bag ko para magsulat ng farewell letter. No joke, naisip ko kanina yun. 笑い泣きびっくり Panay ang turbulence simula kanina pa from Manila. Antok na antok ako kanina pero di ako makatulog ng maayos kase maya't maya akong nagigising dahil panay alon. Huhu.
ATM, nasa kalagitnaan na kami ng Karachi at Muscat. Malapit lapit na kami sa Doha mga 1hour 30 mins nalang.


Breakfast muna pala 2hrs before arrival.

4:00 am (DOH time), 8:00 am (MNL time)
Nakakaloka itong mga timezone na ito. Nakakaboploks.

Just arrived! Yahoo. Ang ganda ng airport sa Qatar tas konti lang ang tao. Bali 3 hours kaming magsstay dito. I never would've thought na makakatapak ako sa Qatar at mahihingahan ko to. Hihi. Badtrip lang kase ayaw mag connect sa wifi eh. Buti nalang nakahanap ako ng free internet access dun sa airport.


Ayan. Facebook muna ako to inform my mommy na alive and kicking pa ako.


Picture muna.

And then 7:00 am, boarding na kami for MIAMI. 8:00 nag take off yung plane.
QR777 DOHA TO MIAMI. So sad hindi kami beside the window. Sa gitna lang. Woooh. Eto malupit 16 hours ang byahe. Goodluck sa backbone ko. Huhu びっくり



Nag breakfast kami.
Tulog.
Nuod. (Aliens in the Attic)
Tulog.
Selfie.



Snack.
Tulog.
Nuod. (Juno)
Tulog.
Kain lunch.
Hilamos.

And then nakilala ko ang prinsipe ng buhay ko. Hehehe. Yung cabin crew na super pogi. Nakipag chismisan pa saamin. Haha. His name is Mahdi. grabe sobrang gwapppoooo. Badtrip kase kakahilamos ko lang edi malamang muka akong bangkay at ang tagadigs ko malamang agaw-eksena! Huhu. Katabi ko pa tas ang lapit pa nya makipag usap. Sarap! Ganda ng ilong. Nagkwentuhan lang kami about life. Tas mga experience nya. Yung feeling nya about his job. Naloko pa nga ako kase tinanong ko sya kung ano sya. I mean kung cabin crew ba sya. Tas sabi nya i'm the pilot. ガーンびっくりガーンびっくり Naniwala ako ng mga 5 seconds. Nanlaki talaga mga mata ko kase kung makipag usap ako casual lang tas biglang sya pala may hawak ng buhay namin ngayon. Lol. Tas bigla kong narealize na impossible un. Edi sabi ko sa kanya
SERIOUSLY!?!? (PAUSE. REALIZATION)
If you're the pilot what are you doing here? 笑い泣き
Tas natawa naman sya. Huhu. Loko to kala ba nya maloloko nya ako. Buti nalang pogi sya. Parang hinaplos naman yung puso ko nung ngumiti sya. Tas tinanong ko nalang kung anong lahi nya. Sabi nya hulaan ko daw. Hindi siya mukang arab. pero muka syang latin/american. Grabe. No daw. Walang tumama sa mga sagot ko.
Tas sabi niya 'I'm Tunisian'.
Ah so from Tunisia. Hahaha. Teka. San yun? Sa North Africa! Pero ang puti nya.
Shempre binanatan ko.
'I never thought Tunisians look so goood.'
Tas sabi nya yes daw Tunisians are beautiful. Tas tumingin ako sa kanya ulo hanggang paa.
'Yeah i can see that.'

Ladies and gentlemen, that's how you FLIRT! 笑い泣き shempre tawa lang sya. Baliw yata to. Dapat kiligin sya. di naman ako nagpapatawa eh. tas ininvite nya kami pumunta dun sa pinag tatambayan ng mga cabin crew sa eroplano. Wow! Hahahaaa. Dun daw kami mag usap. Shempre tumayo ako pero nag CR lang ako. Takte ang pangeet ko kaya. Kung mukang tao lang ako kahit sa CR pwde kami magusap. Wahahah! Hoy wag bastos yang utak mo!

And then shempre walang forever at nagttrabaho sya so goodbye na muna. ショボーンショボーン sad life.

ang bagal ng oras at byahe. Kada tingin ko sa mapa parang same spot lang yung eroplano.
Una pag tingin ko Tehran palang kami. Fyi Tehran is in Iran. Then nasa north kami ng Baghdad, Iraq. etong imagination ko umeksena nanaman. baka bombahin kami. Lols.
After so many hours nasa Europe na kami. Helsinki, tapos St. Petersburg, tapos nasa Moscow Russia (shit bat dito din?), tapos gulat ako pati sa Reykjavik Iceland napadpad kami. What the fuck? Bat kami napunta sa tuktok ng mundo? キョロキョロ kaya pala ang lamig lamig. Inabot ng -57degrees celcius ung outside air temperature. Bat kaya kami sa northernmost dumaan? talagang sa taas na ng Earth. Siguro may iniwasang country ito. Alam ko kase banned dumaan sa Ukraine and Turkey ang airplane. Im not sure kung saan pa. Kaya siguro ganun.

After many more hours, USA NA KAMI! East coast palang naman.



Ayan na! Well dinaanan namin yung Montreal, Virginia, Connecticut yta yun. Basta Eastern part ng New York. cguro mga 3 hours after makarating ng Miami. Sa wakas!


After arrival sa Miami, nag metrorail kami papuntang Lakeworth. Hindi nako nakapag picture sa Miami Int'l Airport dahil pagod na pagod nako. Iritable nako. Nanlalagkit dahil sa napaka dry na hangin sa eroplano. Twing kinakausap ako ng tao nababad vibes ako sa pagod. Isang usap mo pa sakin suntukin na kita. Yung iba kong kasama ngingiti ngiti pa pero ako knock out na. Ngiti pa ng ngiti tong mga to. Bungian ko to eh ewan ko nalang kung makangiti pa kayo. Bwiset. grabe yung pagod ko talaga.

Lalo akong nabad mood dahil pag dating sa Lakeworth station, naghintay kami sa shuttle service pero walang dumating! Tangna ano to? Pinagtaxi nalang kami ng agency. Gago ampota. naintindihan ko naman na maaaring hindi sila nagkaunawaan pero pota talaga. Sa pagod kong to may matitira pa ba akong pang unawa?  Woah chill. nasa US kana, magbunyi!



At nakauwi din! Yan ang bed namin ni Dinah. Dun ako sa gilid sa may lamp. Pwesto nya yang sa bintana. Shower muna ako, tas kain kami. Tas borlog. Sarraaap.

Ayun na. ウシシ so bye na! Pagod nako eh. Thank God at safe kami nakarating. Im so blessed talaga. Thank you Lord.

Goodbye. チョキ

KAMIRA ぐぅぐぅぐぅぐぅぐぅぐぅ