Today is the day! The day that will make me an official exchange visitor.
And i made it! Huhuhu so happy! 笑い泣き

Kagabi pa ako nangangatog sa kaba. Yung kaba ko ay kakaiba, yung tipong namamaluktot yung sikmura ko sa kaba.
Pag humihinga ako, nahihirapan ako. Pag umiinom o lumulunok ako, pakiramdam ko isusuka ko uli. Ganyan katindi yung kaba ko para makaranas ako ng ganito. Sa sobrang kaba ko, pati sistema ng katawan ko ayaw na gumana. Ayaw tanggapin yung mga iniinom at kinakain ko...literally. nasusuka ako sa kaba. Kahit nakahiga lang ako sa kama, bigla nalang ako kakabahan.ショボーン

At eto na nga. US embassy visa interview na. Kasabay ko si Dinah, yung kasama ko sa Four Seasons. Thankful ako sakanya kase sinabay nya ako sa sasakyan nila papuntang embassy. Less problem.
Maaga kami nakarating. 9 ang start ng process. 7:30 kami nakarating pero mahaba na ang pila. Pero naging mabilis ang proseso.グッ

Tengene, tagalog kung tagalog ah!

Nakapasok agad kami ng embassy. 1st step: pre-screening. 2nd step: finger printing. 3rd step: interview.

maayos yung process kase maayos sa embassy. Relaxing. Pero kabado ng onti.

Kagabi sobra ang kaba ko, wala akong masabihan o malabasan ng nararamdaman. Tapos tumawag pa si Angel sakin dahil may problema nanaman sa boyfriend nya. Pinilit kong maging kalmado at intindihin ang sitwasyon nya, bigyan na rin ng advice. Pero di ako makapagfocus sakanya kase nga iniisip ko yung interview ko ngayon. Sorry naman. Wrong timing eh. Pero ok naman. Hanggang sa wala na akong masabi sakanya. Kase mas iniisip ko yung interview ko kesa sa problema nya. Kasalanan ko ba? Lols.

i couldn't take it anymore. Yung worries ko umabot na sa bunbunan ko. May mga hindi kase ako sigurado sa DS160 ko. At isang maling sagot lang don-- Denied! So nagwoworry ako kase naiba ng print yung DS ko kesa dun sa sinagutan ko mismo. So ano isasagot ko diba?
Sino pa bang malalapitan ko? Shempre si God. Distracted na ako masyado. Nanlulumo. Parang nawawalan na ko ng pag asa. Overthinker at paranoid lang ako kahapon. So i prayed. I prayed sincerely. I asked Him to take control of my mind, to give me courage and take away my worries. Sabi ko ayoko ng kabahanan. Sa totoo lang, kaba ang kalaban ko. Kaya ko sumagot, pero pag inatake ako ng kaba, nagiging retarded yung mga sagot ko kaya naman ayoko kabahan.
After i prayed, natulog na ako. Maaga ako eh.

May konting nerbyos akong naramdaman kanina pero kakarampot lang, nawawala na  kaagad. Grabe. Prayer works! Yung kaba ko, parang kaba lang sa recitation. Unlike kahapon para akong lalamunin ng lupa. Nakaramdam ako ng excitement kahit di parin tuluyang nabubura yung worries ko. Malay ko ba kung san galing yung excitement na yun. And then nung nakapila na ako para sa interview, around 10:30, hindi ako kinakabahan. Lol. Yabang noh? Pero hindi talaga. Ewan ko ba. Nakakatulong ung malalim na inhale tas boom exhale. Hehehe.
Si Dinah nasa likuran ko mga may 6 students between us. Nauuna ako. hindi talaga ako masyadong kinabahan nung nakapila ako sa harap ng consul. Pinagttripan ko pa si Dinah at nagsasasayaw ako. baliw amputa.

Tas nung ako na.......

SMILE おねがい

Good morning Sir! おねがいニコニコおねがいニコニコおねがい

....ay shet ang pogi. American sya pero feeling ko hindi pure eh. May pagka Jewish siguro to. Pero pogiiii. Mukang nasa late 30's na sya. Hehe papacute ako.

Yung mga tanong nya is madadali lang.

From what school are you?
Our Lady of Fatima University, QC ニコニコ

Who is your visa sponsor?
Asse Aspire ニコニコ

What is your local agency?
Zip travel ニコニコ

Where in US are you staying?
Florida ニコニコ

What company and position are you working for?
Four Seasons Hotel and Resort, FnB attendant ニコニコ

How much is your stipend?
$9.35/HOUR ニコニコ

What major are you taking?
BS Travel Management ニコニコ

Are you a 3rd year student?
Yes sir.  ニコニコ
Ok good.

Who will hold your passport while you're in the US?
Me sir. ニコニコ

Tell me about your rights while in the US.
Uhm, i have the rights to be treated and paid fairly. Uhm.. i have the rights to keep my passport and my identification documents in my possession and i have the right to report and seek justice in US courts if ever i get abused. They have also provided us hotline numbers to contact in case of exploitation and emergency. ニコニコ滝汗
Sasabihin ko din sana.. "i have the right to love you and know you better coz im feelin something for you baby.."

Okay. Your visa is approved.

キョロキョロキョロキョロびっくりびっくりニヒヒニヒヒ笑い泣き笑い泣き <---- my reaction

Eh? Ayun lang. Isang tanong isang sagot. Hahaha! Grabe thankful ako at yan lang ang tinanong. Okay na okay yung consul na natapat sakin kase hindi mabusisi. Yung ibang consul kase nagtatanong ng family background and mga personal chenes. Huhuhu. Kaya naman dahil madadali ang tanong, nakasagot ako ng nakangiti at with confidence. Confidently beautiful with a heart! ganoin! after nun, muka akong tangang naglakad sa harap ng mga nakaupo na naghihintay ng interview nila. Ngingiti ngiti pako. Iniinggit ko sila eh. Hahahahah ang saya kase! Yung worries ko kahapon, biglang naglaho ng parang bula. Napalitan ng saya at galak! Nakalimutan ko ngang nagugutom pala ako eh. hahaha.
キラキラキラキラキラキラキラキラキラキラキラキラキラキラキラキラ

Fast forward

Kung may saya, may lungkot sa iba. Yung katabi kong ininterview nun, na denied sya.. why? Kase lahat ng family niya-- parents and siblings ay nasa US. So sabi sakanya nung Korean na consul. "Sorry i cannot approve your visa." Triny nya magpaliwanang ngunit ang sagot lang sakanya ay "i understand. But whatever you try to show me i still cannot approve your visa."
ハートブレイク
Nagkita uli kami sa labas.. at ayun kinwento nya na. Naiiyak sya. Btw lalaki sya taga CEU. Naaawa ako. Di ko sya kilala pero nafeel ko yung pagka dismaya nya. Pare naman, 250k at lahat ng effort nya sa documents palang pati mga interviews pre biglang naglaho dahil lang sa nasa US ang immediate family nya. Nalulungkot ako kase yung mga mata nya alam kong pinipigil lang nyang wag maiyak. Di ko sya kilala pero nakaramdam ako ng gusto ko syang i comfort. Naiinis ako. Kase muka syang mabait. Pero ganun. Kung sakin nangyare yun hindi ko na alam ang gagawin ko. Sa perwisyo ko sa mga magulang ko at gastos nila. Sa lahat ng efforts. Yung feeling na nakakahiya kase nadenied. Parang di ko kaya. Nakakadisappoint. Sobra. Hindi ko parin makalimutan. Kamusta na kaya siya? Umiyak kaya sya sa cr? O kaya pagka uwi nya? nakamove on na kaya sya? Sana proud parin ang parents nya sa kanya. Sana hindi sya mapanghinaan ng loob. Sana walang major impact yun sa confidence at pagkatao nya. Kase napakasakit kayang madenied sa bagay na talagang inexpect mo na na makukuha mo. Sana ay ok lang sya.

Pero move on.
Nung pabalik na kami sa agency para mag report, shempre happy ako si i got myself a reward!

Tenenenenenennenenen!




Luffy luggage tag! Napahinto talaga ako habang naglalakad sa Morayta kase nahagip ng mata ko 'to. Hehe. Ok na to. Masayang masaya nako dto sa 50 pesos na luggage tag na to. Reward ko sa pagka approve ko. Hehehe. Birthday gift ko nadin sa sarili ko. Lol. 50pesos pero special kase
duh? ONE PIECE fanatic here! Baka Monkey D. Luffy yan! Saka yan ang simbolo ng pagka approve ko. Hehehe.

After nun, okay na. SPA nalang kulang ko. At dahil wala akong dalang fone, hiniram ko muna fone ni Sir Verick para makapag status ng APPROVED! Wahahaha yabang eh noh?? Eh ang saya ko eh. US visa holder nako. Sinong hindi matutuwa? korni nun!

Badtrip kase wala akong selfie man lang. Wala nga kase ako dalang fone! Bawal sa embassy eh. Huhuhu.

So lahat ng ito, pinagpapasalamat ko kay God. Kase hindi niya nanaman ako binigo eh. Halos lahat nalang ng hinihiling ko binibigay nya. Grateful at thankful ako. I will do my best to be a better person para makabawi kay God. Shempre hindi sya humihingi ng kapalit. But i want to do something that will honor and glorify Him.
Lord, salamat. I made it through you. If this is your will, i will accept it and i will face it. i will always ask for your guidance and i trust you. There's nothing i cannot overcome through You. Thank You po! ドキドキ


Bye for now. Nakausap ko si Mommy. Saya. Nakapasa ako, nakapagbonding kami ni God, tas nakausap ko pa ang pinakamahalagang tao sa buhay ko (mom). Isang word to describe how i feel..

SARAPPYYYYY!

ラブラブ KAMIRA ラブラブ