What kind of Photographer Are You? |  『 the Missing Piece 』

 『 the Missing Piece 』

- NO STORY SITS BY ITSELF -

What you are about to read are all written in Filipino.
So I'm really sorry but I don't have the patience to translate every word to English.

(^^); Grabbed from Kuya Joel.


=================================================================================
IBAT IBANG URI NG PHOTOGRAPHERS....ALIN KA DITO?
Pili na!

1. MAKALIKOT
Ito ang uri ng photographer na naka-pose na ang modelo pero bago pindutin ang shutter button
ay kung anu-anong settings pa ang pinaglalalagay sa camera n’ya:
mula shutter speed hanggang sa lens length, kahit prime na ‘yung lens n'ya at sakto na,
papalitan n'ya pa rin kasi pakiramdam n'ya parang may mali.
Nagbo-bokeh pa para lang makuha ‘yung gustong effect!
Ang resulta? Hayun, ngawit ang model.
Kalupitan level: 4/5

2. MAUTOS
Madalas ito sa mga may model shoot. Uutusan nila ang model: nguso, liyad,
tuwad, higa, hubad - makuha lang yung perfect angle. Ang resulta?
Ang model ay parang clay - kung anu-anong posture ang gagawin. Kaso 'di puedeng umangal ‘yung model.
Papasikatan s'ya nung photographer tapos 'pag tinanong ng model kung tapos na ba yung pose, hindi pa.
Makikita mong gumugulong-gulong din 'yung photographer para daw perfect lighting 'yung kuha n'ya.
Kalupitan level: 3/5

3. HUMAN GORILLAPOD
Uncommon ito pero 'pag naka-encounter ka, luluwa mata mo! Opposite ito ni MAUTOS.
Imbes na utusan ang model, ang photographer mismo ang nagbe-bend, lumiliyad, humihiga, tumutuwad.
Kulang na lang maging gorillapod dahil sa pagiging flexible sa pagkuha. Ayaw n'yang utusan ang model
dahil baka tumanggi na 'yun sa next photoshoot eh. Makikita mo lahat ng kasama n'ya imbes na sa
model na maganda nakatingin, sa photographer. Biruin mo, human gorillapod flexibility eh 'di mo s'ya masisisi:
perfect lighting ang habol n'ya. It's all about the lighting 'ika nga 'di ba?
And, his/her shots will justify it. Pero pagkatapos ng shoot at nakauwi na ang lahat,
dederetso 'yan sa botika para bumili ng pain reliever.
Kalupitan Level: 6/5

4. MAPINDOT
Makita lang 'yung shutter button - 'yung bilog na kulay abo na makintab - talagang naglalaway na,
at gagawin ang lahat para lang mapindot. Nanghihinga s'ya sa tuwing maririnig ang tunog ng shutter release.
"chukah chukah chukah" Kung maaari lang na gawing ringtone sa cellphone, ginawa na n'ya.
Kalupitan level: 2/5

5. MAPILI
Marami nito sa event shoots lalo sa cosplay shoots. Basta makita n’yang maganda, shoot!
pero ‘pag nakita n’yang parang ‘di pasok sa panlasa n’ya, ‘di n’ya kukunan kahit marami na’ng photographer ang kumukuha. ‘pag sinabi n’yang ayaw, kahit umiyak ka ng dugo para kunan n’ya, ayaw talaga.
Kalupitan level: 3/5

6. AUTISTIC/TUOD
Oo meron n’yan! ‘yung tipong kailangan mo i-reboot ‘yung tao. Aakalain mong ‘di gumagalaw, pero
‘pag nakapose na ang model, parang robot ‘yang itataas n’ya ang kamay na may camera papunta
sa kanyang mata. Alam n'yo yung pag-arte ni Arnold Schwarzenegger sa Terminator? Ganon s’ya: cold.
Makikita mo ‘yan nakatayo lang sa isang tabi tapos hindi kikibo. ‘pag lalapitan mo, blank.
Magugulat ka na lang may reset button na umiilaw. Pentium Poor ang processor n’ya. pero ‘wag mo s’yang
pagtawanan, magaganda ang mga shots n’ya. Kelangan lang n’ya mag-upgrade ng processor.
Kalupitan level: 7/5

7. MA-ZOOM
Ito ‘yung mga may paparazzi tendencies. Makikita mo sa lens lineup n’ya: may wide, tele,
hanggang dun sa mga naglalakihang zoom lens gaya ng 70-200mm, 80-400mm, etc... merun s’ya!
‘yan yung mga tatawagan mo sa gabi, sasabihin nagna-night shoot daw.
Night shoot nga kaso ang kapitbahay na nagbibihis ang subject.
Kalupitan level: 5/5

8. MA-MACRO
Kabaliktaran ito ni MA-ZOOM. Lahat ng maliliit na bagay, gustong up-close at malaki:
magmula sa langaw, bangaw, tipaklong, gagamba, langgam, sperm cell at kung anu-ano
‘pang gumagapang at gumagalaw. Lens lineup? Ayaw bitiwan ang kit lens n’ya kase may
macro capabilities ‘yun. Madali mo silang mapupuna kasi kahit walang camera, makikita
mong uupo, dadapa, tutuwad o gagapang ng malapitan sa isang subject at iisipin "ima-macro kitaaahhh…
hintayin mo, mamamacro din kitaaahhh… bwahahaha…"
Kalupitan level: 8/5

9. TRIGGER-HAPPY
Pagsamahin mo ‘yung characteristics nila MAPINDOT at MA-ZOOM para maabot ang status na ‘to.
Lahat kinukunan. Lahat at kahit anong bagay: electric fan, bumbilya, lababo, agiw, o alikabok; pati pulubi,
taxi driver, katrabaho, kapitbahay, tindera, bata, matanda o tulog, gising, patay, gumagalaw o hindi.
Basta parang lulong na palaging may bumubulong na “ito, kunan mo, kunan mooohhh!!!”
Kalupitan level: 7/5

10. MAGALA / PALABOY / LAGALAG
Ito ‘yung photographer na gala. May hampered characteristics ito ni TRIGGER-HAPPY.
Lalabas ito ng bahay sa umaga, bitbit ang camera. Mula Manila City Hall,
mapapadpad ‘yan ng Caloocan. Uuwi ng hapon na punong-puno ng raw at jpeg files ang
memory cards n’ya. ‘wag n’yo s’yang sisihin, marami syang pera!!!
Kalupitan level: 5/5

11. TAMAD
Ito ‘yung mga taong may characteristics ni TRIGGER-HAPPY pero tinatamad pagdating sa post-processing.
Bihira mag-shoot sa raw, jpeg na lang. Makikita mong nabubulok na ng isang dekada ‘yung mga kuha n’ya.
‘di n’ya pino-post process. ‘yung multiply n’ya? ‘di updated kahit online s’ya. Dahilan n’ya? Katamad eh...
Kalupitan level: 6/5

12. POST-PROCESSING BUFF
Ito ang pinakametikuloso pagdating sa post-processing. Lahat ng options kinakalikot: white balance, tone,
color, contrast, dimension at file format. Lahat. Basta makuha n’ya ‘yung pinakamagandang kuha.
‘wag ka, Lahat ng post-processing tools, apps at plugins meron sa PC n’ya - the ultimate darkroom man.
Pero ‘pag nakita mo pics n’ya, mapapakamot ka ng singit sa ganda!
Kalupitan level: 8/5

13. MA-WATERMARK
Ito ang mga photographers na sobrang laki ng watermark. Parang watermark ang tinubuan ng picture.
Tipong minumura ka sa laki! Pero magtataka ka, elaborate ‘yung design ng watermark: maraming burloloy
gaya ng dahon, kahoy, kamay, paa, at ilong. ‘di lang ‘yan, mayroon ding tatadtarin ng iba't ibang styles ng
watermark yung picture: paiba-ibang kulay, paiba-iba ng fonts at fontsize, ‘di lang isa minsan parang mga
kabute kapag malakas ang kidlat! Masyado nilang pinagmamalaki ang kanilang watermark este, pictures pala.
Kalupitan level: 8/5

14. MODEL+PHOTOGRAPHER COMBINATION
Gulat ka ano? Uso ‘yan ngayon! ‘yan ‘yung mga magagandang babae at lalaking photographers....
‘yung tipong ‘pag may shoot kayo at walang model, magpopose ‘yan sa isang tabi tapos kunwari
hindi wari na kinukunan s’ya ng iba. Makikita mo na lang ‘yan mamaya na nakasandal sa pader,
nakahiga sa damuhan, nakaupo sa sahig, tumatawa, umiiyak, gumagawa ng sariling moment.
Pero, pero dead-ma pa rin! ‘yung iba talagang ka-career-in ‘tong status na ‘to... ayos eh!
Malalaman mo na lang na gina-grab n’ya ang mga kuha mo sa kanya tapos sasabihin n’ya
“Sh*t kailan ‘to? Hindi ko ‘to alam ah! Ikaw talaga? Guapo/ganda ko pala!”
Kalupitan level: 7/5

15. BOYSCOUT
Alam n’yo naman siguro ang motto ng isang boyscout: laging handa!
‘yan yung makikita mo na may dalang malaking backpack.
‘yung tipong dala n’ya ‘yung studio n’ya sa bag. ‘pag binuksan mo, (kumikinang pa) at biglang
magtratransform khokhokhokhokhok! pooft! instant studio!
Lahat ng kakailanganin mo nanduon: softbox, umbrella, tripod, costumes at makeup.
Ito na siguro ‘yung magaling magsiksik ng gamit sa bag... ‘yan ‘yung biglang sasabihan ka
“Tara shoot tayo, dala ko studio ko sa bag.” Mapapaisip ka sa una at ‘pag nakita mo laman ng bag n’ya,
mapapanganga ka at tutulo pa laway mo!
Kalupitan level: 7/5

16. STALKER
Ito na siguro ang ultimate mamaw photographer.
Ito ang supling nila MAPINDOT MAPILI, MA-ZOOM at TRIGGER HAPPY.
Karamihan ng mga ganitong photographers ay nagsisimula sa mga events na may makikitang magagandang
babae at lalaki, tapos babanatan s’ya ng zoom range n’ya mula sa kanyang lens lineup. Makikita mong
naka-mount sa camera n’ya ‘yung mga mahahabang range ang zoom. Dadasalan n’yang kuhanan ‘yung
natipuhan n’yang subject habang bumubulong ng “maging akin kaaahhh. maging akin kaaahhh…”
habang hanggang tainga ang ngiti. Mapapansin mo na kapag nakatingin sa kanya ang subject,
biglang itututok n’ya sa iba ang camera para hindi mahalata nung subject na s’ya talaga ang kinukuhaan
n’ya. Makikita mo s’ya sa susunod na event shoot na kinukuhanan pa rin ang subject na trip n’ya pero
kit lens na ima-mount n’ya para malapitan n’yang kukunan ‘yung subject... style lang n’ya ‘yun.
Malalaman mo na lang na hiningi na n’ya ‘yung YM, multiply, deviantart, cellphone number,
email address, birthday at first love ng subject n’ya.

Kalupitan Level: 8/5


=================================================================================

HAPPY READING TO THOSE WHO CAN GRASP Filipino!

( ´艸`)