Ola! 
Midterm exam na! Well, 3 subjects lang naman ako this sem so hindi hassle.
Today, isang subject lang ako—Total Quality Management. Ay shet andito na yung proctor pero mukang mamaya pa magsstart kase konti palang tao.
Hindi pala ako nagreview sa subject na to. As in ni isang word wala akong alam. Wala kase akong handout. Iniemail lang ni sir sa president ng class yung softcopy nung reviewer, eh dahil nga irreg ako at hindi ko kilala tong mga to, nganga. Ok i'll admit hindi din ako nag eeffort. Eh bakit ba? Trip ko mag guessing game eh. Saka test na rin po para malaman ko kung totoo ba o dummy lang tong utak ko. Tagal ko nang gusto masubukan to. Yung mag exam ng walang aral tas pag pumasa ako edi wow. Maaamaze ako sa sarili ko shempre hehe. Yung next exam ko ay sa last day- Feb 13. Tagal pa. magrereview ako don kase major yun. Saka may reviewer ako don at madali lang naman yon.
It's cold today! Yikes. Makikita ko kaya yung crush ko? Sana.. Hinanap ko pa kung saan yung room nya, shempre success nahanap ko. Kaso maaga ako pumasok so malamang wala pa yun. Mamaya nalang siguro. Tatambay ako sa harap ng room nila tas magpapacute. Hehehe. Lol
Hoy kamira! Punyeta ka wag ka malandi mag aral ka jan! Pacute pacute ka pa jan! Yung exam mo nagpapacute sayo pero di mo pinapansin! Bruhilda!
Okay.. okay.. chill. Pampam tong konsensya ko agaw eksena nanaman.
May 4 minutes pa bago mag 7:30. Ano bang trip netong proctor nato? Naiinip na ako.
Naiwan ko pala sa bahay yung pera ko. Meron ako dito kaso buo. Eh pamasahe ko yun pa-airport next week eh. Ayoko naman baryahan dahil baka imbis na pantaxi ko yon, mapunta sa lipstick. Huhu.
Mejo kinakabahan ako ah. Wala kase talaga akong review, tas yung mga kaklase ko mga nagrereview. Bahala na nga.
8:30
Tapos na ko mag exam. Hindi sya ganun kahirap. Feeling ko keri naman. Mejo common sense lang talaga.

Hehe isasagawa ko na ang plano ko. Pumunta ako sa tapat ng room ni crush at tahimik na nagmatyag. Etong si kuya guard dinadaldal ako eh, nawawala tuloy ako sa concentration..
Nakita ko yung kaibigan ko na kaklase ni crush. Yes good timing! so chikka chikka muna kami. Tas ayun, lumabas na ng room si poging crush ko. Waaaah! Lagi kaming nagkakatinginan eh! Natutunaw ako! Sobrang saya ng midterm ko. Unang araw, ang ganda ng umaga ko. Sana makilala nya ako.. Isa ako sa mga nag checheer sa kanya nung sportsfest. sayang wala kaming picture. Meron akong isang crush nuon tas may picture kami, pero di ko na bet yun. Mukang fuck boy eh. Lol. Eto nalang. Tahimik pa.
so saya lungs!
11:30
Well, bago umuwi, tinext ko si Angel babes ko para samahan sya mag lunch. Pinuntahan ko sya sa work nya para naman maichika ko sa kanya yung ganda ng umaga ko at yung crush ko. Hehehe.
Kumain kami sa Jollibee. Napadami yung kinain ko.
Tas nung babalik na sya sa work, naisip kong i-bad influence sya. Pinilit ko syang mag half day nalang sa work para mag date nalang kami. Kaso ayaw nya. Nanghihinayang sa kikitain nya. Walanjo. Edi ok!
hehe ok lang naman talaga. Pero shempre papayag bako ng ganon ganon lang? Hindi ko binigay sakanya yung wallet at phone nya na pinatago nya sa bag ko hanggat hindi sya pumapayag na mag half day. Nagtatatakbo ako hahaha. Di nya ko mahabol kase
a. Nakaheels sya
b. Masyado syang pabebe para tumakbo
Sinabihan pakong childish! Tumatakbo lang childish na? well. Napagod narin ako magtatatakbo kaya sinoli ko na rin. Sinakto kong 1pm para saktong end ng break nya.
Tapos, umuwi nako. Napagod ako eh. Ang saya kase nakita ko si crush. Duh? Crush lang naman. Di ako nagbabalak mag boyfriend noh!

Malapit na pala Valentines.
Magdedate kami ni Lord. Ayoko magsimba, tamad ako eh. Siguro kakausapin ko na lang sya whole day at ichichika ko na din yung sa bago kong crush. 
hehehe. Hay. Lord, ano nanaman pong plano niyo sa love life ko? Lagi niyo ko binibigyan ng crush, tapos wala rin namang nangyayare. Mejo may sense of humor ka rin pala.
pero okay lang po, nag eenjoy ako. Hehehe. I Love You. 

KAMIRA 