Mahirap umasa lalo na kung alam mong imposible...
Hindi mo alam kung parehas kayo ng nararamdaman sa isa't isa kung lagi ka niyang kinukulit
AT lalo na kung
BESTFRIEND mo ang mahal mo.
*****
Ako si Sid I'm a girl kung tatanungin niyo , andito ako ngayon sa bahay ng bestfriend ko na si Michael,ang lalaking mahal na mahal ko.
Hindi ko rin namn kasi mapigilan na mainlove sa kanya lalo na kung lagi siyang sweet sakin.Siya ang laging nagliligtas sakin tyuwing may umaaway sakin nung elementary palang ako,dahil sa gupit ng buhok ko na parang panglalaki.
"Anu ba yan ampangit naman ng buhok niya"
"Eeeww isang BASURA"
"Capital Y-U-C-K"
Yan ang naririnig kong bulungan ng mga klasmeyts ko nung pumasok ako sa room ng nag-iisa,walang kasama.
Lagi nalang nila ako inaapi lagi nilang sinisira yung notebook ko,lagi nilang dinudumihan yung uniform ko.Di ko nga alam eh nandito ata ako sa Impyerno. :((
Isang araw nung may isang batang lalaking nakangiti ng matamis sakin ang lumapit at hinigit ako papunta sa playground,nung mga oras na kasi na yon binabato ako ng mga kaklase ko ng itlog at kung anu-ano pang kadiring bagay na maaring makadumi sa damit ko.
Nung nandito na kami sa playground at naka-upo sa swing nagsalita siya
"Hello ^___^" sinabi niya yan ng napakasaya at walang halong masamang intensyon
"...." nanatili akong tahimik para antayin yung susunod niyang sasabihin
"Ako nga pala si Michael." inabot niya sakin yung kanang kamay niya at nakipag shake hands ako
"Sid pangalan ko."
"Salamat nga pala dun sa pagalis mo sakin dun sa room kanina ha?"
"Ok lang yon pero dapat bestfriend n tayo."
"Sige ^_^:
Simula nung naging magkaibigan kami lagi akong nakangiti at lagi niya akong nililigtas tuwing inaapio ako ng mga kaklase namin.
Nag-assume kasi ako na parehas kami ng nararamdaman pero nagkamali ako may girlfriend siya at alam kong mahl na mahal nila ang isa't isa.
"Psst." di ko namalayan nasa harap ko na pala si Michael,nandito ako sa bahay nila kasi boring ako eh wala akong magawa
"Huh?"
"Nag dadaydream ka nanaman." ginulo niya yung buhok ko sabay abot ng strawberry juice na kinuha niya at tinimpla ni tita (mama niya)
"Psh" yan lang ang sagot ko.
"Labas tayo punta tayo sa park.Ang boring eh"
"K."
Simula nung nalaman kong naging sila ni Akira nagiging cold nako sa kanya.Di ko alam ginagawa ko eh puro nalang maiikling salita yung binibitawan ko tuwing kinakausap niya ako.
"May problema ba?"
"Wala." tumingin ako sa kanya ng saglit , halatang seryoso yung mukha niya
Dumating na kami sa park kasi walking distance lang naman ang layo nun sa bahay nila.Umupo kami tapos nagsalita na siya , nakipagkwentuhan naman siya sakin kaya anu namang magagawa ko diba? BESTFRIEND lang naman ang turing niya sa akin.
Umabot sa punta na may natanong ako sa kanya .....
"Michael,,,... kung papapiliin ka...." tumingin ako sa kanya para makita yung reaksyon at marinig ang sagot mula mismo sa bibig niya
"......ang bestfriend mo o ang girlfriend mo?"
"Uhmm..."
"Siguro yung bestfriend ko." siguro lang yun siguro di ba siya sigurado... pero natuwa naman ako kasi kahit papano ako yung pinili niya
"Sid..."
"Oh?"
"Bakit tuwing kinakausap kita lagi ka nalang umiiwas ng tingin sakin tapos sa school lagi mo nalang ako iniiwasan tuwing breaktime lagi kang nagpapalusot para lang di moko makasabay ta ---"
"HINDI MO KASI NAIINTINDIHAN NARARAMDAMAN KO EH?!?"
halatang nagulat siya sa inasal ko mga 15 seconds bago siya makarecover at nagsalita ulet
"ANO BANG NARARAMDAMAN MO? SANA KASI SINASABI MO SA AKIN EH DIB BESTFRIEND MO NAMAN AKO? DAPAT KASI DAPAT !!" nagsisigawan kami ngayon dito,di ko alam yung isasagot ko kaya tumungo nalang ako at humingi ng tawad
"Sorry...Michael .. sorry" umiyak nako non habang naksandal ako sa dibdib niya
"Sorry din Sid sorry..kung nasigawan kita"
Eto yung mahirap eh...napag-isipan ko narin kung sasabihin ko yung nararamdaman ko sa kanya...
Michael's POV
Nagulat din ako sa inasal ko kanina di ko naman sinasadya na masigawan siya eh.
Totoo nga ang sinasabi niya may girlfriend ako.Pero di ko naman tlga yun girlfriend eh , pinsan ko yon.
Mahal ko si Sid mahal na mahal,kaya nga nalungkot ako tuwing cold siya saken eh,d konalang pinapahalata sa kanya.
Di ko alam yung dahilan kung bakit niya sinabi yon.Aayain ko nalang siyang umuwi sa kanila par amakapagpahinga siya
"Ihahatid na kita sa inyo."
"Mamaya na please.May sasabihin lang ako.....importante ." bigla akong kinabahan
Siguro ito na yung tamang panahon para malaman niya din na di ko tlga girlfriend si Akira.
"Ako muna." nagulat siya nung sinabi ko yun. At tumingin ng diretso sa mata ko
"Yung totoo...hindi ko tlga girlfriend si Akira. Pinsan ko siya." Hindi ko alam pero pakiramdam ko natuwa yung aura ng mukha niya eh,siguro nag iilusyunate ako hehe
"P-pero sabi mo ---"
"Hindi nga kasi di ko siya girlfriend.May boyfriend naman tlga yun eh pinapagselos lang namin.Sorry kung di konasabi sayo ha?"
Ngumiti siya sakin napakatamis na ngiti na nakapaggaan ng loob ko,inantay ko siya magsalita..
"Mahal kita Michael." nagulat ako nung sinabi niya yon.di ko akalain na parehas pala kami ng nararamdaman.
"Sorry Michael sorry kung minahal kita,alam ko namang di mo rin ako kayang mahalin eh.Sorry tlga at nagpakatanga ako sayo at minahal ko ang sarili kong bestfriend ---" tinakpan ko ng isang daliri ang kamay niya bilang simbolo ng pagtahimik.
"Di ka naman nag-iisa eh,ako din mahal din kita.Sorry sa mga inasal ko ha?Sorry kung di ko maramdaman yun.Sorry sa lahat ng nagawa ko sayo."
O.O
H-hinalikan niya ako sa lips.
Oo tama nagulat nga ako dahil first kiss ko siya at halata sa mukha niya na namumula siya kaya yumuko siya kagad at tinakpan ang maganda niyang mukha.
"Para kang kamatis.Hahaha" tinawanan ko siya eh kasi naman ang cute cute niya ahahahaha
"Ehh...*pout*" ang cute niya tlga pag nag popout.
*tsup*
*tsup*
Hinalikan ko siya ng dalawang beses kaya hinampas niya ako sa braso
"I hate you."
"I love you too." sabi ko.
----------------------
THE END
